Duterte, special mention sa ‘foreword’ ng annual report ng isang international human rights group
Sa kauna-unahang pagkakataon, ‘special mention’ ngayon ang Pilipinas sa ‘foreword’ ng taunang report ng isang international human rights group.
Sa report ng Amnesty International para sa taong 2016 hanggang 2017, binanggit ang mga makapangyarihang lider ng iba’t ibang bansa kung saan talamak ang human rights violations.
Kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sina US Pres. Donald Trump, Prime Minister Orban ng Hungary, at Pres. Erdogan ng Turkey.
Kinondena rin ng grupo ang tila ay organisadong sunod-sunod na pagpatay sa mga drug suspek sa bansa, maging ang marahas na anti-drug campaign ng Duterte administration.
Binanggit rin ng grupo na labag sa karapatan-pantao ang panukalang pagbabalik sa death penalty na isinusulong ng administrasyong Duterte.
Ayon pa sa grupo, kailangan ngayon ng mundo ang mga bayaning magtatanggol sa karapatan-pantao ngayong 2017.
Ayon naman kay Butch Olano, head of office ng grupo dito sa Pilipinas, hindi dapat manahimik lamang ang publiko sa sunod-sunod na patayan.
Hindi rin umano dapat hayaan na lang na ginagawang ‘warzone’ ang ating mga lansangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.