Early voting para sa senior citizens at PWDs, lusot na sa committee level ng Kamara
Aprubado na ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang substitute bill ng mga panukalang batas na layong mas paagahin at maging mas maginhawa ang pagboto ng mga nakatatanda at may kapansanan tuwing halalan.
Ayon kay CIBAC PL Rep. Sherwin Tugna, chairman ng komite, nakapaloob sa “Early Voting for Qualified Senior Citizens and Persons with Disabilities in National and Local Elections Act”, bibigyang kalayaan ang mga matatanda at may kapansanan kung nais nilang bumoto ng mas maaga.
Sa naturang substitute bill, inaatasan ang Commission on Elections o Comelec na magtakda ng petsa na malapit sa mismong araw ng halalan kung saan maaaring makaboto ang mga senior citizen at PWDs.
Uubrang pumili ang mga matatanda at PWDs na bumoto sa itatakdang polling precincts ng Comelec gaya ng paaralan, opisina ng mga ahensya ng pamahalaan, at pribadong establisimyento.
Sinabi ni Tugna na ito’y upang makaiwas sa mahabang pila tuwing araw ng eleksyon.
Magkakaroon naman ng nationwide registration para sa senior citizens at PWDS na nagnanais na i-avail ang early voting privileges.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.