Abu Sayyaf Group, posibleng nasa likod ng pagdukot sa mga Vietnamese sa Tawi Tawi

By Rohanisa Abbas February 22, 2017 - 10:44 AM

Abu-Sayyaf-1-radyo-inquirer
FILE PHOTO

Posibleng ang teroristang grupong Abu Sayyaf ang nasa likod ng pag-atake sa Vietnamese cargo ship na MV Giang Hai kung saan napatay ang isang crew nito at dinakip ang anim na iba pa, ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay.

Gayunman, iginiit ni Yasay na kailangan pa nilang siguraduhin kung ang bandidong grupo nga ang may kagagawan nito, o hindi.

Sinabi aniya ng foreign minister ng Vietnam na nabanggit na nila ang naturang isyu sa isang informal ASEAN ministerial retreat sa Pilipinas.

Magugunitang noong Linggo, tinambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang MV Giang Hai sa bahagi ng Isla ng Baguan na malapit sa baybayin ng Malaysia.

Binanggit din ni Yasay na noong Nobyembre ng nakaraang taon ay aabot din sa anim na Vietnamese ng isa pang cargo vessel ang binihag kaparehong lugar.

Samantala, nauna nang ipinahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na pinaplano ng pamahalaan na kausapin ang Estados Unidos na magsagawa ng joint exercises sa mga baybayin sa timog kung saan lumalaganap ang pamimirata.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.