Chris Brown, pinagbawalan ng Los Angeles court na lumapit sa ex-gf na model dahil sa kaso ng pananakit

FILE - In this Feb. 3, 2014 file photo, R&B singer Chris Brown arrives at a Los Angeles Superior Court for a probation review hearing in Los Angeles. A judge ordered Chris Brown on Friday, Feb. 28, 2014, in Los Angeles, to remain in an anger management rehab program and told the pop singer to return to court in two months. Superior Court Judge James Brandlin scheduled the next hearing in Brown’s case for April 23, 2014.  (AP Photo/Nick Ut, file)
(AP Photo/Nick Ut, file)

Pinagbawalan na lumapit ang Hollywood RnB singer na si Chris Brown sa model na ex-girlfriend na si Karrueche Tran.

Ito ay matapos isumbong ni Tran sa mga otoridad na sinuntok siya at binantaan na papatayin ni Brown.

Pinagbigyan ng isang korte sa Los Angeles ang restraining order na hiniling ni Tran laban sa singer.

Sakaling lumapit si Brown kay Tran, maaari siyang arestuhin at ikulong.

Ayon kay Tran, sinuntok siya ni Brown sa tiyan at itinulak sa hagdan ilang taon na ang nakakalipas, pero nanahimik lang siya at hindi na nagsumbong sa pulis.

Hiniling ni Tran ang restraining order sa korte dahil kamakailan lang ay nakatanggap siya ng text message mula kat Brown na nagsasabing papatayin siya nito.

Matatandaan na dati nang hinatulan si Brown matapos bugbugin ang dating girlfriend na si Rihanna.

Noong nakaraang taon, inaresto din si Brown dahil naman sa pag-atake nito gamit ang baril sa isang babae sa gitna ng standoff sa mga pulis.

Read more...