Mga Pinoy na sinentensyahan ng kamatayan sa ibang bansa, umabot na sa 73 ayon sa DFA

By Mariel Cruz February 22, 2017 - 10:09 AM

yasay-0628Inihayag ng Department of Foreign Affairs na kabuuang pitumpu’t tatlong Filipino ang pinatawan na ng parusang kamatayan sa ibang bansa.

Ayon kay DFA Sec. Perfecto Yasay Jr., sa Saudi Arabia ay dalawampu’t dalawang Pinoy na ang hinatulan ng kasong murder at isa na may kaugnayan sa drugs.

Sa Malaysia naman, ani Yasay, umabot na sa apatnapu’t isa ang sinentensyahan ng kamatayan kung saan dalawampu dito ay dahil sa kasong drug trafficking.

Parehong dalawa naman ang naitala sa China at United States habang tig-isa sa Kuwait, Indonesia, United Arab Emirates (UAE) at Vietnam.

Bukod dito, nakatakdang magbaba ng hatol ang Court of Appeals sa Kuwait ukol sa death sentenced ng isang Pinay.

Sinabi ni Yasay na ginawa na ng DFA ang lahat ng kanilang makakaya para matulungan ang naturang Pinay sa Kuwait.

Matatandaang noong nakaraang buwan, binitay sa Kuwait ang Pinay Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jakatia Pawa dahil sa umano’y pagpatay 22-anyos na anak na babae ng kanyang employer sa pamamagitan ng pananaksak.

Paliwanag ng DFA, hindi nagkulang ang bansa sa pagbibigay ng tulong na legal sa nasabing OFW.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.