Block Marcos, nagsagawa ng kilos protesta sa People Power Monument sa Quezon City

BLOCK MARCOS
Kuha ni Cyrille Cupino

Nagsagawa ng simbolikong protesta ang grupong Block Marcos sa People Power Monument sa Quezon City.

Nagpalipad ang grupo ng malaking itim na banner na nagsasabing ‘HUKAYIN!’ at ‘Harangin ang diktaturya, baguhin ang sistema’.

Nais ng grupo na papanagutin hukayin ang mga labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos na kanilang tinawag na ‘magnanakaw’ sa Libingan ng mga Bayani.

Gusto rin ng grupo na managot si Pangulong Rodrigo Duterte dahil ang kanyang administrasyon ang nagsulong na malibing si Marcos sa LNMB.

Kinondena rin ng grupo ang libo-libong kaso ng extra-judicial killings sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Nanawagan rin ang grupo sa publiko na makiisa sa kanilang gagawing kilos-protesta sa ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power sa February 25.

Read more...