Bangkay, natagpuan sa ilalim ng Jones Bridge sa Maynila

By Jong Manlapaz February 22, 2017 - 08:22 AM

PATAY INTRAMUROS
Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalake matapos pagbabarilin sa ilalim ng Jones Bridge na sakop ng Barangay 657, Intramuros, Maynila.

Ayon sa ilang residente sa lugar, anim na putok ng baril ang kanilang narinig at makalipas ang ilang minuto, nakita na lamang nilang nakahandusay ang naturang lalaki.

Tinatayang nasa pagitan ng 35 at 40 ang edad at 5’5 ang height ng nasabing biktima na nagtamo ng ilang tama ng bala ng baril.

Wala umanong nakakita sa aktuwal na pamamaril kung kaya’t walang makapagsabi kung ilan ang salarin sa naturang krimen.

Narekober sa crime scene ang 5 basyo ng bala at 5 sachet ng iligal na droga, na nakuha mula sa katawan ng nasawing lalaki na miyembro umano ng ‘Bahala-Na Gang’, base na rin sa nakitang tattoo nito sa katawan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.