Labi ng driver ng bus na sangkot sa aksidente sa Tanay Rizal, nasa punerarya pa rin

By Cyrille Cupino February 22, 2017 - 08:20 AM

PHOTO CREDIT: JAIME DELA ROSA JR.
PHOTO CREDIT: JAIME DELA ROSA JR.

Nasa pangangalaga pa rin ng punerarya sa Novaliches, Quezon Ccity ang labi ng bus driver ng Panda Tours.

Hindi pa mai-release ng Majar Funeral Homes ang bangkay ng driver dahil dalawang misis ang naghahabol para mai-uwi ang katawan nito.

Ayon kay Analiza Hamdali, tagapagsalita ng punerarya, isang babae mula sa Bulacan ang nagpunta sa kanilang opisina ang nagpakilalang live-in partner ni Julian Lacorda Jr..

Samantala, isa namang nagpakilalang asawa ni Lacorda na taga-Mindanao ang tumawag naman sa kanilang tanggapan.

Pero, dahil ayaw managot sa legal na responsibilidad ng punenarya, pinayuhan nila ang magkabilang panig na magpakita ng dokumento na magpapatunay na sila ang tunay na asawa.

Ipinatawag na rin ang dalawang ginang para sa isang pag-uusap at magpirmahan ng kasunduan para tuluyan nang ma-release ang bangkay ng bus driver.

Matatandaang kasama si Lacorda sa 15 nasawi sa malagim na trahedya sa Tanay, Rizal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.