Planong pagpapatalsik kay Duterte, hindi totoo – AFP

 

Taliwas sa sinasabi ng Malacañang, nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala pa silang nababantayang planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Edgard Arevalo, wala pa silang namo-monitor na anumang destabilization plot laban sa administrasyong Duterte.

Ginawa ni Arevalo ang paglilinaw matapos sabihin ni Communications Sec. Martin Andanar na ang mga pahayag ni retired SPO3 Arturo Lascañas ay bahagi lamang ng mas malaking plano ng pagbuwag sa administrasyon.

Gayunman, sinabi naman ni Arevalo na bagaman wala pa silang namo-monitor, maaring may hawak na impormasyon sina Andanar tungkol dito na hindi pa umaabot sa kanila.

Sa kabila nito ay tiniyak naman ni Arevalo na handa ang buong pwersa ng AFP na bantayan at protektahan ang pangulo sakali mang may magpasimuno na ng pagpapatalsik sa kaniya.

Read more...