Planong pagpapatalsik kay Duterte, hindi totoo – AFP

By Kabie Aenlle February 22, 2017 - 04:25 AM

 

AFP campsTaliwas sa sinasabi ng Malacañang, nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala pa silang nababantayang planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Edgard Arevalo, wala pa silang namo-monitor na anumang destabilization plot laban sa administrasyong Duterte.

Ginawa ni Arevalo ang paglilinaw matapos sabihin ni Communications Sec. Martin Andanar na ang mga pahayag ni retired SPO3 Arturo Lascañas ay bahagi lamang ng mas malaking plano ng pagbuwag sa administrasyon.

Gayunman, sinabi naman ni Arevalo na bagaman wala pa silang namo-monitor, maaring may hawak na impormasyon sina Andanar tungkol dito na hindi pa umaabot sa kanila.

Sa kabila nito ay tiniyak naman ni Arevalo na handa ang buong pwersa ng AFP na bantayan at protektahan ang pangulo sakali mang may magpasimuno na ng pagpapatalsik sa kaniya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.