Ginebra, pasok na sa finals ng PBA

By Kabie Aenlle February 22, 2017 - 04:14 AM

 

Inquirer.net/PBA

Pasok na ang Ginebra Gin Kings sa finals ng 2017 PBA Philippine Cup.

Ito’y matapos nilang talunin sa do-or-die game 7 kagabi ang Star Hotshots sa iskor na 89-76.

Pinangunahan ni Sol Mercado ang laban ng Ginebra kung saan nakapagtala siya ng 23 points, apat na rebounds at limang assists para sa Gin Kings, at siya na rin ang nag-tapos ng laban na nakapag-panalo sa kanila.

Ito na ang pangalawang magkasunod na beses na nakapasok sa finals ang Ginebra, matapos nilang masungkit ang kampyonato noong nakaraang taon.

Dahil dito, sila ang makakalaban ng San Miguel Beermen sa finals ng Philippine Cup.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.