Pres. Duterte, hindi pa tiyak kung pupunta sa EDSA anniversary

By Kabie Aenlle February 22, 2017 - 04:02 AM

 

Inquirer file photo

Wala pang kumpirmasyon kung makakadalo ba si Pangulong Rodrigo Duterte sa taunang paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Si Duterte ang inaasahang magiging keynote speaker ng ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power ngayong taon, ngunit hindi pa tiyak kung pupunta ang pangulo.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, ang pagdiriwang ngayong taon ay gaganapin sa February 24, sa halip na February 25.

Gagawin din ito sa loob ng Camp Aguinaldo, sa halip na sa EDSA People Power Monument upang hindi ito magdulot ng pagsikip sa daloy ng trapiko sa lansangan.

Aniya pa, magiging simple lang at hindi magarbo ang magiging selebrasyon ngayong taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.