Rape, kasama pa rin sa listahan ng mga papatawan ng death penalty
Hindi inilaglag ang kasong rape sa mga krimen na maaaring patawan ng parusang kamatayan, sa ilalim ng House Bill 4727 o Death Penalty bill.
Sa isang pahinang advisory at pirmado ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, hindi lamang tatlo kundi apat ang mga kaso na gagawaran ng death penalty, sa oras na maibalik ito.
Bukod sa rape, ang tatlong krimen na kasama sa listahan ay ang plunder, treason, at drug-related cases.
Matatandaang dalawampu’t isa ang orihinal na bilang ng mga krimen na ipinapanakulang patawan ng parusang kamatayan.
Gayunman, sa caucus ng supermajority ng Kamara, napagkasunduan sa botohan na bawasan ang listahan kaya naging apat na lamang ang mga krimen.
At sa halip na sa Marso, gagawin ng Kamara ang 2nd reading approval sa panukala sa Pebrero 28.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.