SPO3 Lascañas, haharap muli sa Senate hearing kaugnay sa DDS

By Jan Escosio February 22, 2017 - 04:28 AM

 

Arthur LascanasNagdesisyon na ang Senado na paharapin sa imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang dating pulis na si SPO3 Arthur Lascanas.

Sampung senador ang bomoto pabor na mapaharap si Lascanas at idetalye ang nalalaman sa mga kaso ng pagpatay na ginawa ng Davao Death Squad na umanoy binuo ng noo’y Mayor at ngayoy si Pangulong Rodrido Duterte.

Naganap ang botohan sa ipinatawag na caucus ng mga senador kanina.

Nagpatawag umano ng caucus dahil sa pagharang ng ilang mambabatas na mapaharap pa si Lascanas dahil sa ginawa nitong pagbaligtad sa naunang testimonya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.