Ito ay kasunod ng pangalawang writ of amparo petition na inihain ng nasabing biktima.
Sakop ng protective writ ang pamilya ni Joselito Gonzales na namatay matapos pagbabarilin sa Antipolo City noong July ng nakaraang taon.
Inilabas ang temporary protection order laban sa mga respondents na kinabibilangan nina Interior and Local Government Sec. Ismael Sueño, Philippine National Police Director-General Ronald Dela Rosa, Chief Supt. Valfrie Tabian, Senior Supt. Adriano Enong, Supt. Simnar Semacio Gran, Insp. Dogwe, Allen Cadag, Mark Riel Canilon at ilan pang John Does mula sa Antipolo City Police Station-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force at Provincial Special Operating Unit Team.
Pinagbabawalan ng Korte Suprema ang mga respondent na makalapit hanggang sa isang kilometro sa tirahan at trabaho ng petitioner.
Ibabalik naman ng SC ang kaso sa Court of Appeals para makapagsagawa ng pagdinig kung bibigyan sila ng sampung para makapaglabas ng ruling.
Sa kanyang inihain na petisyon, sinabi ni Christina Macandog na hinimok sila ng kanyang mister na si Joselito na masangkot sa droga pero noong 2016, napagdesisyunan nilang mag-asawa na sumuko at magbagong buhay na.
Pero bago pa aniya nila masimulan ang pagbabago, binantaan na umano sila nina Cadag at Canilon na papatayin.
Matatandaang noong nakaraang taon, naglabas din ang SC ng unang writ of amparo at protection order sa isang survivor at kamaganak ng biktima ng Oplan Tokhang sa Payatas, Quezon City.