Andanar at PDI reporter nagkainitan sa press conference
Hindi nakapagtimpi si Presidential Communications Secretary Martin Andanar kaugnay sa press conference na ginanap kaninang umaga sa Malacañang.
Ito ay matapos tanungin ng reporter ng Philippine Daily Inquirer na si Marlon Ramos si Andanar kaugnay sa impormasyon ng destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Andanar, mayroon siyang natangap na impormasyon na may nilulutong plano ang mga kritiko ng pangulo na patalsikin sa puwesto.
Tanong ni Ramos, saan nakuha ni Andanar ang impormasyon gayung sina National Security Adviser Hermogenes Esperon at Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang nagsabi na walang destabilization plot.
Sumagot naman si Andanar kay Ramos kasunod ng kanyang pakiusap.
“Hindi, huwag mo kami pagsabungin, Marlon. Huwag mo sabihin because, again, you will write something and you’ll say, ganito sabi ni Andanar. Walang ganon”.
Muli namang humirit ang reporter ng PDI “Yeah, sir. Hindi ko kayo pinagsasabong, Sir. I’m just asking for clarification because..”.
Inungkat rin ni Andanar ang mga banat ni Ramos sa administrasyon sa pamamagitan ng kanyang twitter account.
Sa kanyang panig sinabi naman ni Ramos na personal niyang saloobin ang mga isinusulat niya sa kanyang social media accounts.
Sa pagtatapos ng press conference ay nilapitan ni Andanar si Ramos kung saan sila ay nagkamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.