Mga reklamador na pulis na ililipat sa Basilan binalaan ng pamunuan ng PNP
Mas marapat umano na idaan na lamang sa tamang proseso ng mga pulis na tutol sa ginawang re-assignment para marinig ang kanilang panig at huwag nang idaan sa media ang kanilang hinaing.
Ayon kay PNP Spokesman S/Supt. Dionardo Carlos, mayroon umanong grievance committee ang PNP kung saan maaring dumulog ang mga pulis kung may reklamo lalo na partikular sa kanilang reassignment.
Bagaman, nilinaw ni Carlos na karapatan nila na magsalita at ilabas ang sentimiyento sa media at walang magiging sanction dito pero dapat ay unahin ng pulis na harapin ang kaso at idaan sa tamang proseso ng review.
Ang pinakaimportante ngayon, ay dapat na sumunod muna sa Commander-in-Chief sa ginawang reassignment.
Umaabot lamang sa 53 na mga pulis “scalawags” ang sumipot sa Villamor Airbase kanina sa higit 200 na inaasahan kasama sa listahan na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ma-reassign sa lalawigan ng Basilan.
Isang pulis rin ang nasabon ni NCRPO Chief Dir. Oscar Albayalde sa ginawang accounting kahapon sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City matapos itong magreklamo at maglabas ng sentimiento sa isang TV network dahil sa pagkakasama niya sa listahan ng mga ipinatapon sa Basilan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.