Paglalagay ng speed limiter sa mga bus ipinamamadali sa DOTr

By Isa Avendaño-Umali February 21, 2017 - 03:08 PM

Tanay accident1
Inquirer file photo

Muling kinalampag ng Kamara ang Department of Transportation sa kawalang aksyon nito sa pagpapatupad ng “Speed Limiter Law” o paglalagay ng device na otomatikong maglilimita sa 80 kilometers per hour na speed limit ng mga bus.

Ito’y kasunod ng pagkasawi sa Tanay, Rizal ng labinglimang estudyante ng Bestlink College na sakay ng isang unit ng Panda Coach Bus Inc.

Ayon kay Iloilo City Rep. Jerry Trenas, isang taon na mula nang maging batas ang Republic Act 10916 o Road Speed Limiter Act of 2016 ngunit hanggang sa ngayon ay bigo pa rin ang DOTr na bumuo ng Technical Working Group o TWG para sa pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulations o IRR.

Ani Trenas, na siyang pangunahing may akda ng nasabing batas, ang recklessness o human error ang nangungunang dahilan ng aksidente sa kalsada at batay sa itsura ng bus ay kitang-kita na nag-over speeding ang sasakyan.

Maaari anyang naiwasan ang Tanay bus crash kung mayroon nang speed limiter na nakainstall sa bus.

Ayon kay Trenas, dapat nang simulan ng DOTr ang kunsultasyon nito sa DOST, DTI at MMDA sa pagbuo ng IRR para sa nasabing batas.

Sa oras naman na maipatupad ang speed limiters sa mga piling Public Utility Vehicles ay magiging prerequisite na ang pagkakaroon ng speed limiters kung saan ang DTI ang magbibigay ng accreditation sa mga installer ng limiters na regular na iinspeksyunin ng LTO at LTFRB.

Ang lalabag ay papatawan ng ₱50,000 multa, suspension ng drivers license at pagbawi sa prangkisa ng mga operators.

TAGS: bus, ltfrb, lto, panda bus, speed limiter, trenas, bus, ltfrb, lto, panda bus, speed limiter, trenas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.