CHED, magpapatupad ng moratorium sa lahat ng school educational tours

chedNagpatupad ng moratorium sa mga educational tours at field trips ang Commission on Higher Education (CHED) sa lahat ng public at private colleges at universities.

Ito ay kasunod ng malagim na aksidente sa Tanay, Rizal na ikinasawi ng labing lima katao at ikinasugat ng mahigit tatlumpu.

Kabilang sa mga nasawi ay ang mga estudyante ng Bestlink College of the Philippines, isang guro at ang driver ng Panda Coach Tours bus na sinakyan ng mga biktma.

Ayon kay CHED Commissioner Prospero de Vera, napagkasunduan ng kanilang en banc na ipatupad ang moratorium sa educational tours at field trips.

Kasabay nito, hinimok ng CHED ang lahat ng colleges at universities na maglatag ng ibang option na magsisilbing kapalit ng field trips.

Hihilingin ni De Vera sa en banc ng CHED na agad maglabas ng direktiba sa lahat ng higher education institutions para masimulan na ang imbestigasyon sa naganap na trahedya.

Una nang inihayag ni De Vera na magpapatupad sila ng moratorium hanggang sa matapos ang imbestigasyon sa naturang aksidente.

Read more...