Nakalapag na sa Zamboanga Airport ang C-130 plane ng Philippine Air Force na lumipad mula Villamor Airbase lulan ang mga tinaguriang “police scalawags”.
Bago mag-alas nueve ng umaga ay dumating ang C-130 lulan ang nasa 53 na mga umano’y pasaway na Philippine National Police personnel na ihinarap kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Bandang 6:30 ng umaga nang lumipad ang C-130 mula sa Villamor Airbase patungong Zamboanga.
Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos, karagdagang kasong administratibo ang kakaharapin ng hindi sumipot sa send-off.
Panibagong kaso aniya ng insubordination at defiance to lawful order ang kanilang kakaharapin maliban pa sa ikukunsidera silang AWOL ng liderato ng PNP.
Sa tala ng NCRPO, dapat ay mahigit 200 ang kabilang sa ibibiyahe sa Zamboanga para maideploy sa Basilan pero aabot lamang sa 53 ang sumipot.