Biyahe ng isang train ng MRT, maagang naantala dahil sa technical problem
Maaga na namang naperwisyo ang mga pasahero ng MRT-3 ngayong araw ng Martes.
Ito ay matapos makaranas ng aberya ang biyahe ng MRT-3 kaninang 8:52 ng umaga.
Napilitang bumaba ng mga pasahero ng MRT-3 sa Santolan-Annapolis station southbound dahil sa nasabing aberya.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nagkaroon ng technical problem ang isa sa kanilang mga train.
Nakatanggap ng Category 3 status ang serbisyo ng nasabing train, na nangangahulugan na tinanggal ito nang walang kapalit.
Bandang alas nueve ng umaga, nasa labing siyam na tren na ang operational.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.