Kinilala ang biktima na si Renato Puro, na dalawang araw na nawawala ayon na rin sa kaniyang asawa na si Mary Anne de Luna.
Ayon kay Mary Anne, inihulog na lamang umano ang labi ng kaniyang asawa sa ilalim ng tulay.
Nakatali sa kaniyang likod ang mga kamay ng biktima gamit ang plastic strap. Wala namang nakuhang basyo pero may nakuhang tingga ng bala na nakabaon sa noo ng biktima.
Mariin namang itinanggi ng asawa na gumagamit o nagbebenta ng bawal na gamot si Puro.
Samantala, kritikal naman sa ospital ang driver ng delivery truck matapos atakehin sa puso habang nagmamaneho.
Matapos na mawalan ng malay ang driver na si Ferdinand Olique, bumangga ito sa kongkretong poste ng Meralco, at sa lakas ng impact ay nabali nito ang poste sa Gen. Ave, Tandang Sora, Quezon City.
Ligtas naman ang dalawang pahinante ng truck.
Pahinante ng truck na dalawang araw nang nawawala, natagpuang patay at nakagapos sa ilalim ng tulay sa R-10 sa Maynila | @jongmanlapaz pic.twitter.com/riEZmeoh2M
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 20, 2017