Pahinante ng truck na ilang araw nang nawawala, natagpuang patay sa ilalim ng tulay sa Maynila

By Jong Manlapaz February 21, 2017 - 06:36 AM

16899938_412185272469238_2050968009_nNatagpuang patay sa ilalim ng tulay ng R-10 sa Manila ang isang pahenante ng truck habang nakatali pa ang mga kamay.

Kinilala ang biktima na si Renato Puro, na dalawang araw na nawawala ayon na rin sa kaniyang asawa na si Mary Anne de Luna.

Ayon kay Mary Anne, inihulog na lamang umano ang labi ng kaniyang asawa sa ilalim ng tulay.

Nakatali sa kaniyang likod ang mga kamay ng biktima gamit ang plastic strap. Wala namang nakuhang basyo pero may nakuhang tingga ng bala na nakabaon sa noo ng biktima.

Mariin namang itinanggi ng asawa na gumagamit o nagbebenta ng bawal na gamot si Puro.

Samantala, kritikal naman sa ospital ang driver ng delivery truck matapos atakehin sa puso habang nagmamaneho.

Matapos na mawalan ng malay ang driver na si Ferdinand Olique, bumangga ito sa kongkretong poste ng Meralco, at sa lakas ng impact ay nabali nito ang poste sa Gen. Ave, Tandang Sora, Quezon City.

Ligtas naman ang dalawang pahinante ng truck.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.