Panelo, iginiit na may hurisdiksyon ang RTC sa mga kaso vs. De Lima

By Kabie Aenlle February 21, 2017 - 05:13 AM

panelo-delima-620x310Iginiit ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na may hurisdiksyon ang regional trial court (RTC) para hawakan ang mga kasong may kinalaman sa iligal na droga na isinampa laban kay Sen. Leila de Lima.

Ito’y bilang tugon sa pagbatikos ng Liberal Party na partido ni De Lima, at ni Sen. Francis Pangilinan na hindi dapat sa RTC inihain ang mga nasabing kaso laban sa senadora.

Ayon kay Panelo, nakasaad sa Republic Act 9165 na lahat ng mga kasong may kinalaman sa iligal na droga ay dapat isampa sa regional trial court.

Dagdag pa ni Panelo, may inilabas na circular ang Supreme Court noong nakaraang taon na nagsasabing ang hurisdiksyon ng drug-related cases ay sa RTC.

Gayunman, aniya, sakaling tama ang sinasabi ng mga bumabatikos sa mga kaso, jurisdictional lang naman ang isyung ito at ire-refile pa rin naman ito kung talagang maling lugar ang pinagsampahan ng kaso.

Una na kasing sinabi ni Pangilinan na dapat ay isinampa ang mga kaso sa Sandiganbayan sa pamamagitan ng Office of the Ombudsman.

Sinisi rin ni Panelo si De Lima sa hindi nito paghain agad ng counter-affidavit dahil sa pag-tantya na magkakaroon ng problema sa hurisdiksyon.

Giit niya, nabigyan si De Lima ng sapat na pagkakataon para magbigay ng ebidensya, ngunit binalewala ito ng senadora.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.