Ang drug cases ay may kinalaman sa pagkakasangkot umano ni De Lima sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison noong siya pa ang kalihim ng DOJ.
Ayon kay Ferdie Maglalang, chief media officer ni De Lima, naghain na ang senadora ng motions to quash, hold in abeyance the issuance of a warrant of arrest at for judicial determination of probable cause.
Ginawa ito ni De Lima matapos na ma-raffle na ang inihaing mga kaso laban sa kanya sa Muntinlupa RTC branches 204, 205 at 206.
Ang mga kasong non-bailable laban kay De Lima ay nag-ugat sa naging testimonya ng ilang high profile inmates sa Bilibid kung saan sinabing tumanggap ng pera ang senadora sa mga sindikato ng droga.
Iginiit ni De Lima na ‘politically motivated’ ang paghahain ng kaso laban sa kanya at bunga ng hayagan niyang pambabatikos sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.