Halos 200 flights, kakanselahin ng CebuPac dahil sa radar shutdown

By Kabie Aenlle February 21, 2017 - 04:58 AM

cebu-pacificInanunsyo na ng budget airline na Cebu Pacific ang kanselasyon ng halos 200 domestic flights mula March 6 hanggang 10.

Ito ay dahil sa gagawing temporary shutdown ng Tagaytay air traffic radar para sa maintenance at upgrade nito sa mga nabanggit na petsa.

Sa kanilang advisory, sinabi ng Cebu Pacific na magreresulta ng pagbabawas ng kanilang flights ang naturang temporary shutdown ng radar.

Inabisuhan nila ang mga pasahero nila na i-rebook na lamang ang kanilang mga flights sa loob ng 30 araw mula sa orihinal na petsa ng kanilang departure, o kaya ay i-refund na lamang ang kanilang tickets.

Bukod sa Cebu Pacific, nagsabi na rin ang Philippine Airlines sa kanilang mga pasahero na magka-kansela rin sila ng nasa 100 flights dahil rin sa nasabing maintenance shutdown.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.