Lumalakas na Tropical Storm Goni (Ineng), papasok sa PAR sa Martes (Aug.18)
Inaasahang magiging Typhoon ngayong gabi o bukas (Aug. 17) si Goni habang tumatahak palapit sa PAR sa bilis na 11kph West Northwest.
Sa ngayon, lalong lumalakas ang bagyo paalis ng Mariana Islands at papasok sa PAR sa Martes ng umaga o hapon.
Lalapit ang bagyo sa hilaga ng Batanes Group of Islands dakong Biyernes o Sabado kung saan inaasahan ding palalakasin nito ang hanging habagat.
Sa ngayon, napakalayo pa ni Goni (Ineng) o 2,365 kms sa silangan ng Central Luzon at wala itong epekto sa alinmang bahagi ng Bansa sa ngayon.
Samantala ang isa pang bagyo na si TS Atsani ay magiging “typhoon” ngayong gabi ngunit hindi ito papasok sa PAR./ Jake J. Maderazo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.