Halaga ng piso, lalong humina sa 50.23:$1

peso-dollar-afpPatuloy na humina ang halaga ng piso kontra dolyar matapos magsara ito kahapon sa P50:23:$1, na lumagapak na naman sa 10-year low.

Sa Philippine Dealing System, umabot sa 50.23 kada dolyar ang pinakamababang halaga ng piso kahapon, habang umabot naman sa 50.05 kada dolyar lamang ang pinakamataas na lebel nito matapos magbukas sa 50.08 kada dolyar.

Ito na ang pinakamahinang pagsasara ng halaga ng piso mula noong September 26, 2006 kung saan nagsara ito ng 50.32:$1.

Noong Biyernes naman ay umabot sa 50:$1 level ang pagsasara ng piso, na kauna-unahang beses na nangyari mula noong magsara sa 50.12:$1 ang halaga nito noong November 16, 2006.

Malaki ang epekto ng mga agam-agam sa planong pagpapatupad ni US President Donald Trump ng fiscal reforms sa galaw ng halaga ng piso.

Bagaman hindi ito magandang balita para sa mag industriya dito sa bansa, positibo naman ang dating nito para sa mag overseas Filipino workers na nagpapadala ng dolyar sa kanilang mga kaanak, dahil mas mataas ang magiging palitan nito.

Read more...