3 uri ng krimen kabilang sa mga papatawan ng parusang bitay
Lilimitahan na lamang sa tatlong krimen ang papatawan ng parusang kamatayan sa ilalim ng Death Penalty Reimposition Bill.
Sa caucus ng supermajority, napagkasunduan na panatilihin sa mga papatawan ng parusang kamatayan ang mga kasong plunder, drugs at treason.
Pero sa droga, limitado lamang ang parusang reclusion perpetua to death sa manufacturing, trade at financing.
Inalis na dito ang drug possession sa katwiran na madaling itanim ang droga sa sinumang indibidwal.
Kasama naman sa maraming krimen na maaalis sa death penalty bill ang krimen na rape.
Samantala, itinakda ang botohan sa Death Penalty Bill sa ikalawang pagbasa sa February 28, sa halip na ang orihinal na target na March 8.
Pagbibigyan pa ng ilang araw ang period of interpellation and debates bago ang botohan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.