$1,000 na suhol itinanggi ng mga Senate reporters, Andanar hiniling na mag-public apology

By Den Macaranas February 20, 2017 - 03:47 PM

fake newsPumalag ang mga mamamahayag na nagko-cover sa Senado sa naging pahayag ni Presidential Comminications Office Sec. Martin Andanar na naglabas ng $1,000 ang kampo ni Sen. Antonio Trillanes para sa mga dumalo sa ipinatawag nitong press conference.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng mga miyembro ng Senate Media na kailanman ay hindi sila tumatanggap ng bayad para mag-cover ng isang presscon ng isang mambabatas.

Kanila ring hinamon ang kalihim na humingi ng public apology kaugnay sa anila’y paglalabas ng “fake news”.

Sa hiwalay na kalatas, sinabi naman ng National Press Club na mataas ang kanilang respeto sa kalihim pero hinamon nila ito na ituwid ang kanyang pagkakamali kaugnay sa kanyang naging pahayag.

Hinamon rin nila ang kalihim na humingi ng paumanhin sa publiko hingil sa kanyang naging pahayag.

 

andanar1
Inquirer file photo

TAGS: andanar, senate media, trillanes, andanar, senate media, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.