Oratio imperata ipantatapat ng simbahan sa mga kaso ng EJKs

EJK prayerNaglabas ng panalangin o oratio imperata para sa kanyang nasasakupan si Lingayen-Dagupan Arcbishop Soc Villegas kaugnay sa aniya’y problema sa mga kaso ng extra judicial killings.

Si Villegas na siya ring kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay kabilang sa mga nanguna sa ginawang Walk for Life walkathon sa Luneta noong Sabado.

Ang nasabing panalangin ay alinsunod sa panawagan ng simbahang katolika kaugnay sa mga kaso ng pagpatay na iniuugnay naman sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Noong Sabado ay sinabi ni Manila Archibishop Luis Antonio Cardinal Tagle na dapat igalang mga tao ang kasagraduhan ng buhay kahit na ito ay buhay ng ilang mga nagkasala sa batas.

Nauna na ring sinabi ng CBCP na kabilang ang kanilang grupo sa mga haharang sa panukalang muling pagbuhay sa death penalty at magpapatuloy din ang kanilang pagbabantay sa mga kaso ng pagpatay sa bansa.

Photo: Radyo Inquirer

 

Read more...