Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, ang press conference ng self-confessed hitman na si Lascañas ay bahagi ng matagal ng political drama na layuning siraan si Pangulong Duterte at pabagsakin ang kanyang administrasyon.
Ayon kay Andanar, alam ng taumbayan na ang ganitong paninira ay kagagawan ng mga sektor na apektado ng mga repormang ipinatutupad ng Duterte administration.
“The demolition job against President Duterte continues. The press conference of self-confessed hitman SPO3 Arthur Lascanas is part of a protracted political drama aimed to destroy the President and to topple his administration,” ani Andanar.
Kasabay nito, iginiit ni Andanar na nilinis na ng Commission on Human Rights, Office of the Ombudsman at Senate Committee on Justice si Pangulong Duterte sa extrajudicial killing at pagkakaugnay nito sa Davao Death Squad.