Testimonya ni SPO3 Lascañas, ‘demolition job’ laban kay Pangulong Duterte ayon sa Malakanyang

By Chona Yu February 20, 2017 - 01:36 PM

duterte mahirapNaniniwala ang palasyo ng Malakanyang na bahagi lamang ng demolition job kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbaliktad ni SPO3 Arthur Lascañas at paggiit nito na totoong mayroong Davao Death Squad (DDS).

Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, ang press conference ng self-confessed hitman na si Lascañas ay bahagi ng matagal ng political drama na layuning siraan si Pangulong Duterte at pabagsakin ang kanyang administrasyon.

Ayon kay Andanar, alam ng taumbayan na ang ganitong paninira ay kagagawan ng mga sektor na apektado ng mga repormang ipinatutupad ng Duterte administration.

“The demolition job against President Duterte continues. The press conference of self-confessed hitman SPO3 Arthur Lascanas is part of a protracted political drama aimed to destroy the President and to topple his administration,” ani Andanar.

Kasabay nito, iginiit ni Andanar na nilinis na ng Commission on Human Rights, Office of the Ombudsman at Senate Committee on Justice si Pangulong Duterte sa extrajudicial killing at pagkakaugnay nito sa Davao Death Squad.

 

 

 

 

TAGS: Davao City, dds, Rodrigo Duterte, SPO3 Arthur Lascañas, Davao City, dds, Rodrigo Duterte, SPO3 Arthur Lascañas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.