Retired police officer sa Davao, idinawit si Pangulong Duterte apat na magkakahiwalay na insidente ng pagpatay

By Hani Abbas February 20, 2017 - 12:29 PM

INQUIRER PHOTO
INQUIRER PHOTO

Binawi ng isang retiradyong pulis ang nauna niyang testimonya at muling lumutang sa senado para sabihing totoong mayroong Davao Death Squad (DDS).

Sa kaniyang pahayag sa media, itinuro ni SPO3 Arthur Lascañas si Pangulong Rodrigo Duterte na nag-utos na pagpatay sa mga kriminal sa Davao City noong ito ay alkalde pa ng lungsod.

Si Lascañas ay humarap sa mga media sa senado sa pamamagitan ng ng Free Legal Assistance Group (FLAG).

May mga kaso ng pagpatay na binanggit si Lascañas kung saan direkta nitong idinawit si Duterte.

“Sa una pong pag-upo ni Mayor ni Mayor Duterte bilang mayor ng Davao City ay nag-umpisa na po kami ng tinatawag na salvaging ng mga tao. Ito po ay mga suspek na gumagawa ng krimen sa Davao, about illegal drugs,” ani Lascañas.

Ayon kay Lascañas, binabayaran sila ni Duterte ng P20,000 hanggang P100,000 depende sa laki ng target ng DDS para sa ginagawa nilang pagpatay.

Unang ikinwento ni Lascañas ang pagsalakay ng DDS sa bahay ng hinihinalang drug lord na si Alan Cancio kung saan, nasawi sa nasabing insidente ang kasambahay nito.

Ani Lascañas, ang pagsalakay sa bahay ni Cancio ang unang trabaho ng DDS kung saan nakatanggap sila ng hanggang P100,000 mula kay Duterte.

Kinumpirma din ng retiradong pulis ang pahayag noon ni Edgar Matobato hinggil sa papasabog ng DDS members sa Moslem mosques sa Davao City kung saan binayaran din umano sila ni Duterte.

Sa kaso naman ng pagdukot sa isang “Miss Abaca” sinabi ni Lascañas na ipinatugis sa kanila ni Duterte ang mga nasa likod ng krimen.

Kabilang umano sa nakuha ng DDS ang mastermind ng pagdukot kay Abaca at pamilya nito kasama pa ang isang buntis na dinala nila sa Davao City.

Ayon kay Lascañas, dinala nila sa isang bahay sa Laot quarry ang buong pamilya at doon nila kinausap ang mastermind.

Inatasan umano sila ni Duterte na patayin ang mastermind at ang kaniyang pamilya sa malinis na pamamaraan.

Sa simula, tinangka pa ni Lascañas na isalba ang anak ng mastermind dahil wala naman itong alam sa krimen pero pinatay din umano ang buong pamilya gamit ang caliber 22 silencer.

Kasama ding kinumpirma ni Lascañas na si Duterte ang nag-utos sa pagpatay sa radio reporter na si Jun Pala at sa isang Jun Versabal.

 

 

TAGS: Davao Death Squad, Rodrigo Duterte, Senate, SPO3 Lascañas, Davao Death Squad, Rodrigo Duterte, Senate, SPO3 Lascañas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.