Nitong nakaraang araw, daan-daang mga residente ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa matinding bakbakan nang sumugod ang mga miyembro ng 104th MILF Base Command sa pangunguna ng isang Kumander Brian Andi sa lugar.
Hinahanap ng grupo ang mga suspek sa pagpaslang sa isang 8-taong gulang na bata sa katabing barangay ng Kanipaan may dalawang linggo na ang nakalilipas.
Sa kanilang pagtungo sa lugar, nakasagupa ng mga ito ang puwersa ng 105th Base Command sa pamumuno ng isang Bondie Binago na nagresulta sa matinding bakbakan sa magkabilang panig.
Lima ang nalagas sa puwersa ni Kumander Binago samantalang 2 naman ang nasawi sa puwersa ni Kumander Andi./ Jay Dones