WATCH: Tourist bus, bumangga sa poste sa Tanay Rizal, 14 ang patay

By Cyrille Cupino February 20, 2017 - 11:14 AM

PHOTO CREDIT: JAIME DELA ROSA JR.
PHOTO CREDIT: JAIME DELA ROSA JR.

(UPDATE) Patay ang labingapat na katao makaraang bumangga ang sinasakyan nilang tourist bus sa isang poste sa Barangay Sampaloc, Tanay Rizal.

PHOTO CREDIT: JAIME DELA ROSA JR.
PHOTO CREDIT: JAIME DELA ROSA JR.

Sakay ng Panda Choach bus ang mga estudyante mula sa Bestlink College sa Novaliches sa Quezon City.

Nasa 54 na mga estudyante umano ang sakay ng nasabing bus na may plakang TXS-325.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Rizal, kumpirmadong sampu na ang nasawi sa nasabing aksidente.

Magca-camping umano ang mga estudyante nang bumangga ang bus sa isang poste ng Meralco sa bahagi ng Peligrino Farm, Sitio Bayukan.

INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Maliban sa mga nasawi, mayroon pang mga nasugatan na dinala na sa pinakamalapit na ospital sa Morong Rizal.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Tanay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, posibleng nawalan ng kontrol ang bus, o nawalan ng preno dahil pababa ang kalsada.

Dinala na sa Rizal Provincial Hospital sa Morong and sa Tanay General Hospital ang mga biktima.

 

 

 

TAGS: accident, Panda Coach bus, Tanay Rizal, tourist bus, accident, Panda Coach bus, Tanay Rizal, tourist bus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.