Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa ilang lalawigan sa Visayas at Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo February 20, 2017 - 10:22 AM

Heavy Rainfall WarningNakararanas ngayon ng malakas at tuloy-tuloy na buhos ng ulan ang ilang lalawigan sa Visayas at Mindanao.

Dahil dito, itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa mga lalawigang apektado ng pag-ulan bunsod ng umiiral na easterlies.

Sa abiso ng PAGASA, alas 9:30 ng umaga, orange rainfall warning ang nakataas sa silangang bahagi ng Southern Leyte.

Babala ng PAGASA sa mga residente, maari silang makaranas ng pagbaha lalo na ang mga naninirahan sa mababang lugar habang maari namang magkaroon ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

Yellow warning naman ang nakataas sa nalalabi pang bahagi ng Southern Leyte.

Samantala, sa Mindanao naman, alas 9:00 ng umaga, nakataas na rin ang yellow warning sa Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Surigao Del Sur, Dinagat Islands at Siargao Islands.

Easterlies din ang weather system na umiiral sa nasabing mga lalawigan na nagdudulot ng malakas na pag-ulan.

TAGS: easterlies, heavy rainfall warning, Pagasa, Radyo Inquirer, weather, easterlies, heavy rainfall warning, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.