Daloy ng traffic sa Nagtahan, maagang naperwisyo; trailer truck na may kargang mga bakal, tumirik

By Rohanisa Abbas February 20, 2017 - 09:13 AM

Kuha ni Hani Abbas
Kuha ni Hani Abbas

Maagang naabala ang daloy ng traffic sa Nagtahan bridge sa Maynila matapos na tumirik ang isang 22-wheeler na trailer truck.

Ayon sa driver ng truck na si Patrick Vivar, tumirik ang truck dahil nasira ang gear transmission nito.

Ilang beses pang sinubukan ng mga tauhan ng Manila Traffic Bureau na alisin ang truck para hindi ito matagalan sa lugar, pero nahirapan ang two truck na hatakin ito bunsod ng mga kargang bakal.

Bunsod ng nasabing insidente, tatlong linya lamang sa Nagtahan ang nagamit ng mga motorista na patungo ng Maynila.

Partikular na naapektuhan ang mga sasakyang dumaraan sa Nagtahan papunta sa Espanya at Lacson Avenue.

 

 

TAGS: manila, Nagtahan Bridge, Radyo Inquirer, stalled vehicle, trailer truck, manila, Nagtahan Bridge, Radyo Inquirer, stalled vehicle, trailer truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.