Dalawang magkasunod na aberya, naranasan sa MRT

By Cyrille Cupino February 20, 2017 - 07:52 AM

Dalawang magkasunod na aberya ang naganap sa biyahe ng Metro Rail Transit, Lunes (February 20) ng umaga.

Sa kasagsagan ng rush hour, dalawang tren ng MRT ang tumirik matapos na makaranas ng technical problem.

Ang unang aberya ay naganap sa pagitan ng GMA Kamuning at Cubao Stations Southbound alas 7:04 ng umaga.

Pinababa ang mga pasahero ng tren na nagkaproblema at pinalipat na lamang sa kasunod na tren.

Makalipas ang ilang minuto o ganap na alas 7:18 ng umaga, isa na namang tren ang nagka-aberya sa pagitan ng Cubao-GMA Kamuning sa bahagi naman ng Northbound.

Pinababa din ang mga pasahero sa nasabing tren.

Kahapon ng hapon, nakapagtala din ng isang aberya sa biyahe ng MRT.

 

 

TAGS: dotr, MRT, MRT advisory, Philippine train system, Radyo Inquirer, technical problem, train system, dotr, MRT, MRT advisory, Philippine train system, Radyo Inquirer, technical problem, train system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.