Trillanes, kukulitin ang AMLC kaugnay ng bank accounts ni Duterte

By Kabie Aenlle February 20, 2017 - 04:30 AM

 

INQUIRER PHOTO | LYN RILLON
INQUIRER PHOTO | LYN RILLON

Papatulan ni Sen. Antonio Trillanes IV ang ginawang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na ilabas ang mga detalye ng kaniyang bank accounts.

Ayon kay Trillanes, gagamitin niya ang direktibang ito ng pangulo para hilingin sa AMLC sa pamamagitan ng isang liham, na ibunyag ang kabuuang halaga ng net worth ni Duterte.

Matatandaang ginawa ni Duterte ang direktibang ito sa harap ng Philippine Military Academy Class 1967 noong Biyernes, kasabay ng mariin niyang pag-tanggi na may tinatagong yaman ang kaniyang pamilya.

Inilarawan naman ni Trillanes ang nasabing utos ng pangulo sa AMLC bilang isang “verbal waiver.”

Ani pa Trillanes, hihingin niya sa AMLC ang bawat impormasyon tungkol sa mga transaksyon sa bank accounts ng pangulo na hindi bababa sa P500,000 ang halaga na na-“flagged” ng konseho.

Sakali aniyang umatras ang pangulo sa direktiba niyang ito, nangangahulugan lamang ito na niloloko lang aniya ni Duterte ang mga tao.

Samantala, ayon naman kay presidential spokesperson Ernesto Abella, nakadepende pa sa pangulo kung ilalabas niya ang transaction history ng tatlo niyang bank accounts mula 2006 hanggang 2015.

Bagaman hindi pa tiyak ang magiging hakbang ng pangulo kaugnay nito, naniniwala naman si Abella na ito ang gagawin ni Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.