AFP, bukas pa ring makipag-negosasyon sa CPP-NPA

 

Photo by: Ruel Perez
Photo by: Ruel Perez

Bukas pa rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na bumalik sa pakikipag-negosasyon sa New People’s Army (NPA) alang-alang sa kapayapaan.

Ito ay kahit na patuloy pa rin ang kanilang mas pinaigting na operasyon laban sa mga rebeldeng komunista ayon kay AFP chief Gen. Eduardo Año.

Ayon pa kay Año, hindi nila isinasara ang kanilang pinto sa negosasyon dahil kung mayroon mang may gusto ng kapayapaan, ito ay ang mga sundalo.

Sinabi ito ni Año isang gabi bago maglabas ng pahayag ang mga komunistang rebelde na bukas rin sila sa pagpirma ng bilateral ceasefire.

Sa kabila naman nito, iginiit ni Año na hindi pa rin nila hahayaang maghasik ng karahasan ang mga rebelde sa mga komunidad.

Read more...