7 sugatan, sa inihagis na granada sa Maynila
By Rod Lagusad February 20, 2017 - 04:25 AM
Hindi bababa sa pitong katao ang sugatan matapos maghagis ng granada ang isang di pa nakikilalang lalaki sa San Andres Bukid, Maynila.
Agad namang naaresto ang nasabing suspek na binugbog ng taumbayan.
Ayon sa suspek hindi aniya alam kung bakit siya nanghagis ng granada.
Mahaharap naman sa limang kaso ang suspek ayon kay Sta. Ana Police Chief Superintendent Jerry Corpuz.
Sa kasalukuyan, inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa naturang suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.