NAIA terminal 4, ginawang all-domestic airport

August 16, 2015 - 07:52 PM

Inquirer file photo

Ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA 4 ay para na lamang sa mga domestic flight.

Ayon kay Manila International Airport Authority o MIAA General Manager Jose Angel Honrado, nagpasya na ang airport authority na gawing “all-domestic” ang NAIA 4. Sinabi ni Honrado na reactivated na ang runway 31, kaya mayroon na muling mga flight movement.

Nagsimula aniya ito noong Sabado, kung kailan natapos ang paglilipat ng international at jetliner flights sa mas malaking terminal.

Umaasa naman si Honrado na makakatulong ang naturang hakbang upang mapagaan ang aircraft traffic sa NAIA.

Gayunman, mula nang ipatupad ito ay nalito ang mga pasahero kung saang terminal dapat pumunta, lalo na para sa flights na inilipat.

Kabilang sa mga inilipat na sa NAIA 4 ay ang mga flight ng Cebu Pacific turbo propeller o maliliit na eroplano, na karamihan ay biyaheng Caticlan, Busuanga, Laoag at Naga.

Ang lahat naman ng international flights ng AirAsia ay inilipat na sa NAIA 3, habang mananatili sa NAIA 4 ang lahat ng domestic flights nito.

Headline: Maging ang mga turbo-propelled flights ng Cebu Pacific ay balik nang muli sa NAIA Terminal 4.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.