Ito ay bilang pagpapakita ng magandang hangarin upang makumbinsi ang panig ng gobyerno na ipagpatuloy nang muli ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.
Sa isang statement, kinilala ng CPP ang mga itinuturing nilang POW na hawak ng NPA na sina:
-PFC Edwin Salan, na nadakip sa Alegria, Surigao del Norte noong January 29;
-Sgt. Solaiman Calucop at
-PFC Samuel Garay, na nadakip sa Columbio, Sultan Kudarat noong February 2;
-PO2 Jerome Natividad, na nadakip sa Talakag, Bukidnon noong February 9;
-Paramilitary Rene Doller at
-Paramilitary Carl Mark, na kapwa nadakip sa Lupon, Davao Oriental noong February 14.
Kung makikiisa aniya ang puwersa ng militar, posibleng makalaya na ang anim bago pa man ang naudlot na pagpupulong sanang muli ng gobyerno at NDFP sa Utrecht, Netherlands sa February 22 hanggang 27.
Matatatandaang naitakda na ang naturang pagpupulong sa Netherlands bilang bahagi ng serye ng peace talks ngunit pinatigil ito ni Pangulong Rodrigo Duterte nang iatras ng NPA ang kanilang ceasefire.
Gayunman, upang maipakita anilang desidido ang kampo ng CPP na isulong ang isang bilateral ceasefire agreement, handa silang palayain ang mga bihag.