Iraqi forces, sinimulan na ang opensiba sa west Mosul
Sinimulan na ng puwersa ng Iraq ang opensiba sa mga lugar na hawak ng Islamic State sa Mosul.
Sa syudad ng Mosul, idineklara noong 2014 ng lider na si Abu Bakr al-Baghdadi bilang ‘caliphate’ ng Islamic State ang lugar matapos nila itong makubkob.
Sa kanilang pagsalakay, limang lugar ang agad nilang nabawi sa kamay ng Islamic State sa west bank ng Mosul.
Sunod namang target ng Iraqi forces ang Mosul airport na nasa timog na bahagi ng syudad.
Ayon kay Prime Minister Haider al-Abadi, ito na ang simula ng isa pang yugto ng operasyon upang mabawi ang lalawigan.
Sa kabila ng pagbawi ng puwersa ng Iraq sa ilang lugar sa Mosul, inaasahang mas magiging matindi pa ang labanan sa susunod na araw habang papalapit ang mga ito sa sentro ng kuta ng IS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.