Magnitude 3.0 na lindol, magkasunod na naitala sa Calatagan, Batangas at Surigao City

CALATAGAN BATANGASNaitala ng Phivolcs ang magnitude 3.0 na lindol sa Calatagan, Batangas kaninang umaga.

Ayon sa Phivolcs naganap ang pagyanig sa 18 kilometers West ng Calatagan bandang 10:58 ng umaga.

May lalim na 120 kilometers ang lindol na tectonic ang origin.

Wala naman naitalang intensity ang Phivolcs bunsod ng nasabing pagyanig.

Samantala, kaninang 7:36 ng umaga naman ay naitala rin ang magnitude 3.0 na aftershock sa Surigao City sa Surigao Del Norte.

Dahil dito, naitala ang Intensity IV sa Surigao City.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang magkakasunod na lindol.

Read more...