Pieta-like photo ng Philippine Daily Inquirer, wagi sa 38th Society of News Design sa U.S.

By Mariel Cruz February 19, 2017 - 10:49 AM

PDI SILVER MEDAL
Twitter grab from @snd

Nasungkit ng Philippine Daily Inquirer ang first Silver Medal Award sa 38th Society of News Design sa Florida, United States.

Nakuha ng Inquirer ang naturang award sa Breaking News Photography category ng kumpetisyon.

Ang larawan ng isang babae na nakahandusay sa kalsada habang yakap-yakap ang kanyang asawa na napatay sa isang anti-illegal drug operation ang ginawaran ng Silver Medal Award.

Ang nasabing larawan na naging frontpage sa Inquirer noong July 24, 2016 ay nagviral sa social media dahil sa pagkakahalintulad nito sa sculpture ni Michaelangelo na “Pieta”.

Minsan na rin naging laman ng international publication na New York Times ang kaso ng mga pagpatay sa Pilipinas kung saan itinampok din ang ‘Pieta’-like photo ng Inquirer.

Samantala, ginawad naman ang award na Second Gold of the Day in Single Day Photo Series sa New York Times.

Itinampok ng New York Times sa kanilang frontpage noong August 3, 2016 ang tumataas na bilang ng mga napapatay na hinihinalang drug users at pushers simula nang maupong pangulo ng bansa si Rodrigo Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.