Russian officials, hanga sa pagtutol ni Duterte laban sa Amerika

By Angellic Jordan February 19, 2017 - 09:47 AM

Nikolay Patrushev
INQUIRER FILE PHOTO

Hanga si National Security Council Secretary Nikolay Patrushev sa pagtutol ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang namumunong presidente sa Estador Unidos at mga polisiya nito.

Ayon sa pangulo, personal na ipinarating ang naturang impresyon ng Russian officials, kasama si Ambassador Igor Khovaev, sa kanilang isinagawang pagpupulong kaugnay sa government cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Russia noong Huwebes.

Sa PMA class ’67 get-together sa Baguio Country Club, ibinahagi pa ni Duterte sa kaniyang mga mistah na ipinunto ng Russian officials na tanging siya lang ang presidenteng nagsalita dito.

Paliwanag ni Duterte, ipinaparating lang nito ang naramdaman nang sabihin ng Amerika na maiiwang gutom ang mga Pilipino kung wala ang kanilang tulong.

Samantala, matatandaang inunsulto ng pangulo si dating US president Barack Obama matapos nitong punahin ang askyon ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.