Eroplanong may sakay na 54 katao, nawawala sa Indonesia

August 16, 2015 - 06:27 PM

trigana
Mula sa @trigana_air file photo

Nawawala at patuloy na pinaghahanap ang isang Indonesian domestic plane na may lulang 54 pasahero at crew sa liblib na bahagi ng Papua, Indonesia.

Ayon kay Bambang Soelystyo, hepe ng national search and rescue agency ng Indonesia, nawalan ng kontak ang air traffic control sa flight TGN-267 , isang ATR 42-short range airliner sa Eastern Papua Region.

Umalis ang eroplano mula Sentani Airport at lumilipad sa pagitan ng Jayapura at Oksibil, na kapitolyo ng Papua nang bigla itong mawalan ng contact sa air traffic control.

Tatagal lamang sana ng 50 minuto ang byahe ng naturang eroplano.

May sakay na sa 54 na pasahero ang eroplano kung saan lima dito ang mga bata, 44 ang matanda, samantalang ang nalalabing lima ay mga crew ng eroplano.

Inooperate ang eroplano ng Trigana Air Service.

Noong Enero, isang Air Asia flight mula Surabaya Indonesia patungong Singapore ang bumagsak na ikinasawi ng 162 pasahero at crew nito.

Nitong nakaraang buwan lamang ng Hulyo, isang Hercules C-130 plane ng Indonesian Army ang bumagsak sa Medan, Indonesia na ikinamatay ng mahigit 100 katao./ Jay Dones

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.