Inanunsyo ng Judicial and Bar Council (JBC) na sisimulan na nito ang pag-interview sa mga kandidato para sa mababakanteng pwesto sa hudikatura.
May 23 kandidato na ang JBC na sasabak sa interview para piliin kung sino ang papalit kina Court of Appeals Associate Justice Francisco Acosta. at and Sandiganbayan Associate Justice Roland Jurado na kung saan inaprubahan ang optional retirement noong February 1.
Magsasagawa ng public panel interview ang JBC sa Supreme Court (SC) mula March 1 hanggang 3.
Sa March 1 ay sasabak sa interview sina Regional Trial Court judges Raymond Reynold Lauigan ng Tuguegarao City; Emmanuel Pasal ng Cagayan de Oro City; Loida Posadas-Kahulugan ng Bansalan, Davao del Sur; Raquelen Abary-Vasquez ng Pasay City; Philip Aguinaldo ng Muntinlupa City; Maria Cancino-Erum ng Mandaluyong City at si Panabo City Executive Judge Dorothy Montejo-Gonzaga.
Sa March 2 naman sina RTC judges Liwliwa Hidalgo-Bucu, Ma. Celestina Cruz-Mangrobang at Rosalyn Mislos-Loja ng Maynila; Catherine Manodon at Rosanna Fe Romero-Maglaya ng Quezon City; Victoria Fernandez-Bernardo ng Malolos, Bulacan; Maryann Corpuz-Manalac ng Makati City at si Office of the Ombudsman Director Bayani Jacinto.
Habang sa March 3 naman nakatakda ang interview nina RTC judges Acerey Pacheco ng Marikina City; Tita Marilyn Payoyo-Villordon ng Quezon City; Aida Macapagal ng Paranaque City; Silvino Pampilo ng Maynila; Benjamin Pozon ng Makati City kasama sina Walter Ong at Rodolfo Noel Quimbo.
Kaugnay nito, may nauna ng 32 kandiadato ang sumailalim sa interview ng JBC para naturang mga posisyon.